Christlyn here, popularly known as 'CC'. Well, only my schoolmates call me that. Now the quantity of 24 divided by 6 raised to the third power subtracted by eight all over four. Incoming Junior. Single yet inspired. Hopefully would take in Material Engineering or BAA at UPD. Read this part to know me more.
~ Friday, May 25 ~
Permalink

Have your friends collect your records and then change your number?

Random title ulit. Kainis, nakaka-LSS kasi ‘yung performance nila Phillip Phillips at Elise Testone dito eh. Doon ko lang na-appreciate si Phillip, sorry. 

Wala lang. Nagpost lang ako kasi, in a few minutes, malalaman ko na ang schedule namin through Kuya Trongco. Ma’am Sao ang adviser ng Burbank, which means, may TV ang homeroom namin. Naks. 

Excited na’kong malaman ang sched namin, pero ayoko pa ring pumasok sa 4. Kung pwede lang mag-fourth year kaagad, para graduation na. Kaso lahat ng MaSci alumni e dumaan sa ganitong proseso, so kailangan ko din in order to survive the tradition of excellence. 

Tara, soundtrip tayo!

http://www.youtube.com/watch?v=OLKvAfKfe2A

Tags: random personal
~ Thursday, May 24 ~
Permalink

4,468 notes
reblogged via etiquetteforalady
Permalink
yanilavigne:

CLICK FOR MORE!

True. Hahahaha. 

yanilavigne:

CLICK FOR MORE!

True. Hahahaha. 


917 notes
reblogged via yanilavigne
Permalink
True. :-bd

True. :-bd


18,217 notes
reblogged via etiquetteforagentleman
Permalink
leilockheart:

Found on - LINK

leilockheart:

Found on - LINK


3,109 notes
reblogged via janbelmonte
Permalink

A Student’s Orientation

Nagising ako sa maingay na naman na sermon ni Inay at Itay. Naks, bagong alarm clock. Hindi ko alam kung bakit, pero noong unti-unti na akong nagkakamalay e nalaman ko na kung ano na namang nirereklamo nitong mga magulang ko. Na-lock ang dalawang kwarto at ang susi ay naiwan ko sa loob ng isa doon. Aga-aga tinamaan na naman ako ng kaeng-engan, kainis. 

Mabuti na lang at nasungkit ni Papa ‘yung susi sa loob ng kwarto. May butas kasi ‘yung kwarto sa itaas. Dahil sa kagagawan ng loka, hindi nakapasok si Papa. Sayang tuloy ‘yung 2000 na kikitain sana niya sa isang shift. Ticket na sana ‘yun para sa Phantom of The Opera. 

Anyway, pumasok muna ako sa review center kung saan nag-advance lessons ako ng Chem. Pagkatapos ng review, pumunta ako sa National Book Store Vito Cruz para makipagkita doon sa isa kong kaklase. Ayoko pa kasing umattend ng Brigada e, nakakatamad maglinis. Sa bahay lang ako sinisipag. 

Niyaya niya akong magpunta doon sa bahay ng isa pa naming dating kaklase. Sige na nga, papangalanan ko na nga para ‘di ako malito. Nagpunta kami ni Jester sa bahay ni Kirante. Biglaan ang pagpunta. Nahiya tuloy kami kasi nandoon pala ‘yung Nanay niyang feeling ko’y mataray, kita naman sa mga kilay niya. Hahahaha. 

Since 11:00 A.M. pa lang noon, at ayaw pa naming pumunta sa MaSci, nagpunta naman kami sa bahay ni Kryzz. Nakakatuwa pa nga kasi naabutan namin siyang naglalaro ng dodgeball kasama ata ‘yung mga pinsan niya. Siya pa ‘yung tinamaan ng bola sa ulo. Hahahahaha. 

At 12:45 P.M., napagpasiya na kaming magpunta ng MaSci. Humiwalay na ako sa mga boys, nakaka-OP rin kasi ‘yung pinag-uusapan nila e. Puro Garena. Mabuti na lang e nakita ko sila Joyce, Mitch, at Patrick. Nagusap-usap muna kami sa tapat ng English Department. After a few minutes, pumunta na kami sa Quad para kumuha ng agreement. 

1. Arias, Christlyn Faith H. OMG, G1 na ako! Anak ng. Napunta kasi lahat ng A-girls sa kabilang star e, ako tuloy naiwan. Kailangan ko ng mag-ipon ng English at “introduce yourself” dahil panigurado ako ang unang tatawagin. 

Nagsimula ang orientation siguro mga 5 minutes late. Filipino time, you know. Nothing new was introduced, she just explained the agreement all over again. Kaya mabilis lang natapos. 

Ay oo nga pala, noong pinagusapan na ‘yung tungkol sa proper haircut ng boys, special mentioned ang loko. Naks, 2 by 3 ang haircut. Hahahaha. Ang mga girls naman, tinatawag akoGwapo daw. Hahaha. 

Wala lang, nabanggit ko lang siya sa post ko kasi… wala lang. Natuwa lang ako. Siguro hindi maaaring hindi magkrus ang mga landas namin nung nilalang na ‘yun. Hindi pwedeng iwasan o hindi pag-usapan. 

Pagkatapos ng orientation nagpunta ang Archi pips sa Robinsons. Kahit dalawang taon na ang nakakaraan, kami-kami pa rin ang nagsasama sa galaan. Nag-usap tungkol kay Lim, Corona, at PBB Teens sa McDo. Nagpunta ng Timezone para mag-karaoke. At unti-unti na kaming nababawasan. 

From 11, lima na lang ang natira- ako, Jazz, PatG, Leo, at Patrick. Sumakay kami ng jeep papuntang EDSA, upang magkaroon pa kami ng maraming oras para magkumustahan. Siyempre, si Leo lang naman ang dumaan sa isang cross-examination. 

Tinanong namin siya. Bakit? Anong nangyari? Bakit parang pinagmukha mong ikaw ang mabait at siya ang masama dahil sa mga pinagpopost mong “move on move on” sa Facebook? Gusto mo pa siya?

At ito lang ang masasabi ko tungkol sa mga sinagot niya: Nalilito pa rin ang loko, pero mahal pa rin niya. 

At ito naman ang napagtanto ko sa mahigit isang oras ng biyahe ng jeep: Masyado pa talaga tayong bata para sa seryosong pakikipagrelasyon. Hindi pa natin kaya ang mga responsibilities at consequences ng love. Masyado pa tayong bata para isakripisyo ang pag-aaral para sa isang minamahal. Masyado pa tayong bata para isugal ang ating kalayaan para sa isang tao. Marami pa tayong makikilala, marami pa tayong matututunan. 

Sabi nga sa’kin ni Patricia Anne Guerrero, RIGHT LOVE COMES WITH THE RIGHT PERSON AT THE RIGHT TIME. Kasi may mga pag-ibig talagang dumadating sa maling panahon. Tamang nilalang, pero wrong timing. 

Napunta na naman ako sa love-love na ‘yan. Anak ng tipaklong. Hahahaha.

Anyway, siguro ito talaga ang masasabi kong orientation. Hindi man ito binanggit sa Quad, ito naman ang sa tingin kong madadala ko sa buong taon. Orientation tungkol sa love, naks. Lumalandi na naman ang topic. Hahahaha.

Buwisit talaga, talo si Jessica. 

Ayoko pa ring magpasukan. 

Tags: personal orientation
1 note